Ilang mga iligal na paputok sa Divisoria, nakumpiska ng MPD sa kanilang ikinasang inspeksyon

Nakumpiska ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni District Director PCol. Emil Tumibay ang ilang mga iligal na paputok sa mga tindahan sa Divisoria ngayong ngayong araw.

Ilan sa mga nakuha ng awtoridad mula sa mga tindero ang pop-pop, piccolo, at five-star na ilan sa mga ipinagbabawal na paputok.

Isa sa mga tinderong naaktuhang nagtitinda ng piccolo ay walang umanong alam na bawal itong ibenta at nais lamang nitong kumita.


Ayon kay PCol. Tumibay na tuloy-tuloy ang pag-ikot at pag-inspeksyon ng kanilang kapulisan hanggang matapos ang taon upang masiguro na walang magtitinda ng iligal na paputok.

Kaugnay nito, nakapagtala ang MPD ng mahigit na 500 na pirasong ipinagbabawal na paputok gaya ng pla-pla, lolo tander, mother rockets, at iba pa na kanilang nakumpiska noong mga nakaraang araw.

Sa huli, hinikayat ni PCol. Tumibay na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay at iwasan ang paggamit ng iligal na paputok na dahil maaari itong makadisgrasya o ikamatay at pinaalala rin nito sa mga nagtitinda ng paputok na huwag nang magbenta ng ipinagbabawal na paputok.

Facebook Comments