
Aabot sa 40 importers at licensed customs brokers ang kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) bilang parte ng ipinatupad nilang Anti-Smuggling Campaign.
Mula July 1, 2025 hanggang sa kasalukuyan,14 criminal cases ang inihain sa 40 importers kabilang ang kanilang representatives at licensed customs dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Ilan sa mga nakasuhan ay dahil sa unlawful importation activities kabilang ang technical smuggling, misdeclaration, at undervaluation ng produkto kung saan paraam nila ito upang hindi makapagbayad ng tamang duties at taxes.
Bukod sa mga nakasuhan, apat na rin ang naipakulong ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
Kaugnay nito, patuloy ang BOC sa papgpapalakas ng kanilang mga hakbang kontra smuggling upang maiwasan na malugi ang gobyerno at maging patas ang kumpetisyon sa mga legitimate businesss owners.










