Ilang mga ina at bagong silang na sanggol sa Pasay City General Hospital, nagpositibo sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) na may apat na ina at apat na bagong silang na sanggol ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Dr. John Victor de Gracia na siyang officer-in-charge ng nasabing hospital.

Ayon kay Dr. de Gracia, ang mga bagong silang sanggol ay kasalukuyang naka-admit sa neonatal Intensive Care Unit habang ang mga ina ay nananatili sa mga COVID ward.


Aniya, ang iba sa kanila ay nakahanda nang ilipat sa isolation facility habang may isa na inadmit na rin dahil sa pneumonia dulot ng COVID-19.

Samantala, muling binuksan ngayong araw ang emergency room ng PCGH para sa mga COVID at urgent non-COVID patient.

Pero iginiit ni Dr. de Gracia, tanging mga residente lamang ng lungsod ng Pasay ang kanilang tatanggapin.

Matatandaan na isinara muna kahapon ang emergency room ng PCGH dahil sa pagdagsa ng mga severe at critical patient dulot ng COVID-19.

Facebook Comments