Hati ang opinyon ng publiko sa naging anunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa pagtitigil o hindi muna pagbibigay ng mga guarantee letter sa mga pampublikong hospital.
Partikular ang mga nagtutungo sa charity ward gayundin ang mga pasyente na sumailalim sa operasyon at iba pang serbisyong medikal.
Giit ng ilang mga kamag-anak ng pasyente, malaking bagay ang nasabing guarantee letter mula sa DSWD dahil kahit papaano ay nakababawas sila ng gastusin sa ospital.
Ang iba naman ay sinasabing wala namang magiging problema dahil marami naman ang maaaring lapitan bukod pa sa pagiging miyembro ng PhilHealth.
Matatandaan na inanunsyo ng DSWD na hanggang December 13, 2024 ang huling pag-iisyu ng guarantee letter upang makumpleto nila ang liquidation at pagbabayad sa mga obligasyon nito.