Nagkasa ng panalangin at prusisyon ang ilang indibidwal sa lungsod ng Maynila.
Ito’y hinggil sa isyu ng iskandalo’t korapsyon sa Simbahang Katolika partikular sa Diocese of Lucena sa probinsya ng Quezon.
Naglakad sila patungo sa Embassy of the Holy See-Apostolic Nunciature sa Taft Avenue, Manila para iparating ang kanilang hinaing sa nasabing isyu.
Ipinapanawagan nila na sana ay masilip ang umano’y masarap o marangyang pamumuhay ng mga namumuno sa Diocese of Lucena kung saan sobra din daw ang mga singil sa mga sakramento.
Bukod dito, napag-alaman din nila na may mga pari ang umano’y may sariling negosyo at nagsusugal.
Giit pa nila, tila nalilimutan na rin ng mga namumuno sa simbahan sa Quezon Province ang magbigay ng tulong sa mga mahihirap na indibidwal o pamilya at sarili na lamang nila ang iniintindi.
Maging ang mga tauhan o nakakasama nila sa simbahan ay sinasabing nagiging bulok ang mga pamamalakad kung saan ang iba ay takot lamang daw na lumantad.
Susubukan din nilang lumapit sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para ipaabot ang kanilang hinaing at mga panawagan.