
Pinauwi na ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang ilang pamilya na pansamantalang inilikas nitong nakaraarang araw bunsod ng pagbaha na dulot ng masamang lagay ng panahon.
Dahil dito, umaabot na lamang sa 784 na pamilya o katumbas ng 2,540 katao ang nananatili sa 20 evacuation sites sa lungsod ng Maynia.
Ayon kay MDSW Dir. Jay Dela Fuente, pinanayagan na nila ang ilang evacuees na bumalik sa kani-kanilang tahanan.
Ito’y matapos makumpirma ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ligtas na at walang panganib sa kanilang lugar.
Sa kabila nito, patuloy na naka-monitor ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa sitwasyon sa ibang lugar na may pagbaha kung saan tuloy-tuloy ang declogging operations ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) upang tuluyan na itong humupa.









