Ilang mga jeepney driver, hindi na sasama bukas sa huling araw ng transport strike

Hindi na makikiisa pa ang ilang jeepney driver bukas sa huling araw ng tigil-pasada ng Piston matapos ang pangalawang araw ngayon.

Ayon kay Mang Rusty Gomez, hanggang ngayon na lamang sila sasama sa tigil-pasada kahit pa ma-extend pa ito, wala rin naman daw nangyayari ang siste ay sila pa ang nahihirapan dahil sa walang kinita sa buong araw na hindi sila pumasada.

Aniya, isa ring commuter ang kanyang anak at labis din ang awa niya sa mga pasahero na nahirapan makasakay simula pa kahapon.


Kasunod nito, sinabi na rin ng grupong Manibela na magsasagawa rin sila ng tigil-pasada na tatagal hanggang Biyernes ngunit kahit pa raw ay sisimulan na nilang pumasada.

Samantala, sa pag-iikot ng RMN Manila sa ilang lugar at ruta ay normal na ang mga biyahe at kakaunti na lamang ang sumama sa welga at programa ng Piston.

Facebook Comments