Inihayag ng ilang mga jeepney driver sa lungsod ng Maynila na nagdesisyon sila na bumiyahe sa halip na sumama sa transport strike at kilos-protesta.
Giit nila, wala na silang makukuhang panggastos para sa pamilya kung sasama pa sila sa tigil-pasada lalo na’t dalawang grupo na ang magsasagawa nito ngayon.
Normal naman ang ilang biyahe ng ibang ruta ng jeep habang nananatili pa rin naka-stand by ang mga sasakyang ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa Oplan Libreng Sakay.
Nabatid na bukod sa transport strike ng grupong Piston at Manibela, magkakasa rin sila ng kilos-protesta mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola.
Kaugnay nito, nagpakalat na ang Manila Police District (MPD) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng mga tauhan upang magbantay at i-monitor amg sitwasyon.
Bukod dito, maghihipit din silang nagbabantay sa ibang pampasaherong jeep at nagkakasa ng libreng sakay na una ng na-monitor hinaharang ang kanilang biyahe.