ILANG MGA KABAHAYANG APEKTADO NG NARANASANG MATINDING PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, UMPISA NA PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG MGA KAGAMITAN

Umpisa na sa paglilinis at pagsasaayos ang mga residente sa Dagupan City ng kanilang mga kabahayan matapos maranasan ang halos isang linggong pagbaha dahilan na naging lubog din ang kanilang mga bahay, at ilang araw na napasukan ng tubig baha.
Bunsod umano nito ay nagkalat na mga gamit dahil hindi naman daw lahat ay naihandang naitaas sa mataas na lugar ang mga ito sa kasagsagan ng epekto ng nagdaang bagyo.
Ayon kay Aling Merly, residente ng Barangay Pogo Grande, bilang isa ang kanilang Barangay sa mga pinakanaapektuhan ng matinding pagbaha, kung saan kahit pa sa kalsadahan ay umabot hanggang hita ang tubig baha, mahirap daw umano ang kanilang nagiging pagkilos sa paglilinis ng kanilang kabahayan dahil bukod sa may karamihan ang kailangan ayusin, alala pa nito ang mga nawawalang mga gamit na inaasahang napadpad na ang mga ito sa ibang bahagi sa taas ng lebel ng tubig.

Isa pa sa kanilang pangamba ay baka tumaas muli umano ang lebel ng tubig at kapag nangyari iyon ay masasayang daw ang kanilang effort sa paglilinis.
Ilang mga residente rin sa Brgy. Tapuac ay nagbababa na rin ng kani-kanilang gamit at nililinis na ng tuluyan ang kanilang sahig.
Ang mga establisyimento naman sa kahabaan ng Perez Blvd, particular sa Burgos, Zamora at Galvan St ay balik na rin sa negosyo at sinimulan umano nila ito sa paglilinis sa kani-kanilang pwesto.
Sa ngayon ay tuluyan nan gang humupa ang tubig baha na dulot ng Bagyon Egay, sanhi ng naranasang matinding pagbaha ang pag-apaw ng Sinucalan River maging ang tubig mula sa kabundukan at ang high tide na mas lalong nagdudulot ng pagtaas ng tubig baha.|ifmnews
Facebook Comments