Ilang mga kabataan, nagkilos-protesta sa Maynila

Nagkilos-protesta ang ilang mga kabataan sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila.

Ito’y para ipanawagan na arestuhin sana ang lahat ng mga opisyal partikular ang mga heneral na na sangkot sa ‘Oplan Tokhang’ noong administrasyong Duterte.

Nais kasi nila na mapangot ang mga ito sa pagkamatay nang marami sa ngalan ng kampanya kontra droga.


Sa gitna rin ng anibersaryo ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), nananawagan ang mga raliyista sa pagbalik ng Pilipinas sa ICC.

Hinarangan naman ang mga raliyista ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para pigilan ang tangkang paglapit sa Mendiola kung saan nagdulot naman ng mabagal na daloy ng trapiko sa eastbound lane ng Recto Avenue.

Facebook Comments