Sa katatapos lamang na selebrasyon ng Pistay Dayat 2023 ay nagkaroon nga ng iba’t ibang aktibidad. Lahat ng Pangasinense ay nakisaya sa Live Concert na inabangan ng karamihan. Nito lamang April 30 ay tumugtog ang Bandang Asin. Isang gabing puno ng kantahan na may tang Asin ed Asinan Konsiyerto na ginanap sa Capitol Beachfront Lingayen.
Sumunod naman na gabi ng May 1 ay inabangan ng lahat at dinagsa ang live performance ng OPM Legend band Kamikazee. Ang bandang nagpasikat sa mga awiting Narda, Halik at Huling sayaw.
Bukod sa mga National band na nagperform, kasama rin ang mga lokal na banda na nagbigay kasiyahan rin sa nasabing aktibidad. Ang mga grupong ito ay mula sa ating probinsiya. Ito ang grupong Insekto Pares, Paul’s Alarm, Candila at Galigo Tribe.
Nagpapasalamat rin ang buong provincial government ng Pangasinan sa lahat ng nakisaya, nakikantahan, nakipagkaisa sa selebrasyon ng Pista’y Dayat 2023. |ifmnews
Facebook Comments