Ilang mga kakaibang Valentine’s gift, ibinebenta sa Dangwa Market

 

Bentang-benta ngayon sa Dangwa Market ang mga bouquet ng rosas na may kakaibang kasama.

Isa na dito ang isang bouquet ng dried rose na may kasamang kutsara, tinidor, at mug na nasa ₱800.

Mayroon din bouquet ng dalawang sandok na may kasamang sangkalan na nasa ₱300.


Ang isang bouquet naman na may kasamang isang set ng pang-manicure ay nasa ₱350.

May isang bouquet din na pawang mga school supplies tulad ng lapis, ruler, notebook, at correction paper ay ibinebenta sa ₱500.

Ang isang bouquet nanan ng mga snacks at chocolate na may kasamang stuff toys ay umaabot sa ₱1,500 kung saan maaaring umorder via online o kaya in-advance para maihanda agad sa araw ng Valentine’s Day.

Facebook Comments