Unpassable parin ang ilang mga kalsada at tulay sa bansa bunsod nang epekto ng malawakang pagbaha sa Mindanao dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang Balubuan road sa Sirawai, Siocon-Baliguian, Diangas road, Guimotan, Linay at Sipakong road na pawang matatagpuan sa Zamboanga del Norte.
Gayundin ang Lanagapod, Labangan road sa Zamboanga del Sur, Lanca Mati road sa Davao Oriental at Pagatin-Linantagan road, Maguindanao del Sur.
Habang dalawang tulay din sa Sultan Kudarat ang nananatiling sarado sa mga motorista.
Kasunod nito, puspusan ang ginagawang clearing operations ng DPWH maging ng lokal na pamahalaan upang agad na madaanan ang mga kalsada at tulay na naapektuhan ng sama ng panahon.
Samantala, wala paring suplay ng kuryente sa apat na syudad at munisipalidad ng Region 9 at 12 kung saan 1 bayan din sa Region 9 ang nananatiling walang suplay ng tubig.