Hindi muna madaraanan ang ilang kalsada at tulay sa Davao Region na nakaranas ng matinding pag ulan at pag baha bunsod ng epekto ng shearline.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang limang kalsada at isang tulay sa Davao de Oro.
Kasama rito ang Linda Nabunturan Road, Camanlangan sa New Bataan, Rizal Monkayo, Sawangan sa Mawab at Bahi Maragusan Road kasama ang Fatima Bridge na lahat ay matatagpuan sa Davao de Oro.
Samantala, sa ngayon ay nananatiling baha sa 11 nga lugar sa Davao de Oro at Davao del Norte.
Kasunod nito, unti-unti nang nagsisiuwian ang mga nagsilikas na mga residente.
Sa katunayan, nasa 446 na pamilya o katumbas ng 1,800 na katao na lamang ang pansamantalang nanunuluyan sa pitong evacuation centers sa Davao de Oro, Davao Occidental at Davao Oriental.