Hindi pa rin madaraanan ang ilang kalsada at tulay sa Region 11 at CARAGA matapos makaranas ng matinding pag-ulan at baha, bunsod ng epekto ng Northeast monsoon at trough ng Low Pressure Area (LPA).
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang 97 na kalsada at 14 na tulay.
Ilan sa mga ito ang Mt. Diwata road, Poblacion, Cambagang, New Manay, Tupas, Coronobe sa Monkayo, Davao de oro.
Gayundin ang Langgawisan bridge, Luzon at Magdug bridge.
Samantala, sa ngayon, nananatiling baha sa 134 na mga lugar sa Region 11, CARAGA at BARMM kung saan nakapagtala din ng landslide sa kaparehong mga rehiyon.
Sa ngayon, pumalo na sa 204, 840 pamilya o katumbas ng mahigit 772,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa Regions 10, 11, 12, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).