Ilang mga kalsada na isinara dahil sa LRT-1 Cavite Extension Project sa Parañaque City, bukas na sa mga motorista

Bukas na para sa mga motorista ang northbound at southbound lane ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge sa Parañaque City.

Ito’y matapos itong isara noon pang Biyernes dahil sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng LRT 1 Cavite Extension Project.

Sa abiso ni Parañaque City Traffic and Parking Management Office (TPMO) head Rey Murillo, maaari ng madaanan ng mga motorista ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue makaraang matapos na ang nasabing proyekto.


Matatandaan na nagtulong-tulong ang Parañaque TPMO at Paranaque Public Information Office (PIO) kasama ang ibang departamento ng lokal na pamahalaan upang kahit papaano ay hindi makirapan sa kanilang biyahe ang mga motorista na naapektuhan ng pagsasara ng nabanggit na kalsada.

Ang LRT 1 Cavite Extension Project ay inaasahan na magsisimula ang operasyon sa taong 2024 kung saan mayroon itong walong station mula Baclaran, Parañaque City hanggang Bacoor, Cavite.

Facebook Comments