Ilang mga kalsada na naapektuhan ng Bagyong Agaton, naayos na ng DPWH

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa walong kalsada mula sa 37 na naapektuhan ng Bagyong Agaton ang kanilang ng naayos at nadaraanan na ng mga motorista.

 

Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, ito’y sa patuloy na pagsisikap ng kanilang mga tauhan kung saan inaayos na rin ang iba pa.

 

Nag-deploy na rin sila ng karagdagang tauhan at mga kagamitan para maayos at malinis ang mga naapektuhang mga kalsada partikular sa Visayas.


 

Sinabi pa ni Mercado na ang 29 na kalsada ay nananatiling sarado dahil sa pagbaha, pagguho ng lupa, nagbagsakang mga bato, landslide at mga nabitak na kalsada.

 

Sa datos ng DPWH, ang mga pangunahing kalsada na ito ay naitala Region VI na may 13; dalawa sa Region VII at 14 sa Region VIII.

 

Ang bilang naman ng mga pangunahing kalsada na limitado sa mga motorista ay mula sa Region IV-A na nasa isa; lima sa Region VI; dalawa sa Region VII; 17 sa Region VIII; isa sa Region X; isa sa Region XI; at dalawa sa Region XII.

Facebook Comments