Ilang mga kalsada, pansamantalang isinara ngayong selebrasyon ng Araw ng Maynila

Pansamantalang isinara ang ilang mga kalsada kaugnay ng selebrasyon ng ika-451 anibersaryo ng Araw ng Maynila.

Mula pa kaninang alas-3:00 ng madaling araw ay sarado na ang Northbound Lane ng Antonio Villegas Street mula Taft Avenue hanggang Dr. Basa Street.

Gayundin ang Southbound Lane ng Antonio Villegas Street mula Dr. Basa Street patungong Taft Avenue.


Maging ang kahabaan ng Cecilia Munoz Street mula Antonio Villegas Street hanggang makarating ng Taft Avenue ay sarado na rin kung saan magtatagal ito ng hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Nabatid na kaya isinara ang mga nabanggit na kalsada ay para sa gagawing Nilad Float Festival na ang parada ay magsisimula sa Luneta.

Dadaluhan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang mga aktibidad na may kaugnayan pa rin sa Araw ng Maynila.

Matatandaan na una ng idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ngayong araw sa buong lungsod bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Araw ng Maynila.

Facebook Comments