
Dahil sa epekto ng Bagyong Crising at habagat, pansamantalang sarado sa mga motorista ang ilang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 9.
Partikular sa Apayao-Ilocos Norte Road; Brgy. Ninoy sa Calanasan, Apayao; bahagi ng Kennon Road sa Tuba, Benguet; at Liloy – Siocon Road sa Tubongon, Baliguian, Zamboanga del Norte.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nagkaroon pagguho ng lupa, nasira ang kalsada at hindi pa rin humuhupa ang baha sa mga nabanggit na kalsada.
Limitado naman sa pagdaan ng mga motorista ang Bigaa-Plaridel sa Brgy. Panginay, Balagtas, Bulacan; Amungan – Palauig-Banlog Road sa Brgy. Bato, Zambales; Diokno Highway at Hinigaran – Isabela Rd. dagol sa madulas at may binabaha pa ang nabanggit na kalsada.
Ang iba naman kalsada at tulay sa mga nasabing rehiyon ay madaraan ng anumang uri ng sasakyan kasabay ng pagpapa-alala sa mga motorista na magdoble ingat sa pagbiyahe.









