
Nag-abiso ang lokal na pamahalaan na pansamantalang isasara ang mga kalsada sa paligid ng Malabon Sports Complex.
Ito’y upang magbigay-daan sa gaganaping “Ulat sa Malabueño” kung saan ang mga saradong kalsada ay ang:
• F. Sevilla Blvd.
• Rizal Ave. / Manapat
• Rizal Ave. / Leono
• Rizal Ave. / Gen. Luna
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta lalo na’t gaganapin ang aktibidad mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Ang mga motorista mula Sacristia patungong palengke ay maaaring kumanan sa gilid ng City Hall, kanan muli sa Leono St., kanan sa Estrella St. patungong Market
Ang mga magmumula naman sa Tonsuya patungong palengke ay kumanan sa Gen. Luna St., kaliwa sa Sacristia St.
Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at sundin ang mga itinalagang traffic rerouting kasabay ng paghingi ng pang-unawa sa analang maidudulot nito.










