Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Manila Police District (MPD) at pamunuan ng Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno para sa gagawing pagbabasbas ng replika ngayong hapon.
Ito’y para matiyak ang kaayusan ng aktibidad at kaligtasan ng mga deboto.
Nagsagawa na ng clearing operation sa bahagi ng Villalobos St, Hidalgo St., Evangelista St. at Carriedo St. kung saan manggagaling ang mga deboto dala ang kanilang mga replika.
Kaugnay nito, pansamantalang isasara ang southbound ng Quezon Blvd. partikular sa pagitan ng Recto Underpass at Quezon Bridge.
Dito isasagawa pagbabasbas sa pedestrian overpass sa Paterno Street kaya’t masasakop ang nasabing kalsada ng mga deboto.
Abot naman hanggang Mc Arthur Bridge ang pila ng mga deboto na may kaniya-kaniyang dala ng replika ng poong Jesus Nazareno na patungong Hidalgo, Carriedo at Carlos Palanca Street.
Ang iba naman dadalo sa misa sa simbahan ay pinapayuhan na maagang magtungo upang maiwasan na maipit sa posibleng pagsikip ng daloy ng trapiko.