Ilang mga karatig Probinsya sa Central Luzon, naalarma sa mataas na bilang ng mga kaso ng pertussis sa NCR

Dahil sa aspeto ng proximity o hindi kalayuang distansya ng National Capital Region sa Central Luzon, pinaghahandaan na ngayon ng magkaratig probinsya sa ilang may malaking Economic Zone ang posibleng outbreak sa Pertussis o tusperina sa kanilang mamayan.

Ayon kay Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, miyembro ng Metro Clark Advisory Council o MCAC tulad ng panahon ng pagkalat ng  COVID19 virus maiging mapalakas muli ng mga lokal na pamahalaan na malapit sa NCR ang ‘Surveillance’ lalo na sa mga mamayan na hindi naiiwasan lumuwas na metro manila patungo sa Industrial Area o Economic Zone sa Central Luzon.

Nakapangangamba umano kasi ang report ng Department of Health na sa pitong probinsya ng Central Luzon mabilis na umakyat sa 48 ang kumpirmadong may Tusperina.


Ayon sa DOH Central Luzon pinakamarami ang probinsya ng Tarlac na nasa 84 mula ng pagpasok ng taong 2024 habang pito katao naman na karamihan ay bata ang nasasawi sa nasabing rehiyon.

Pinakikitunguhan ng mga lokal na pamahalaan ang under reported na kaso at ang mga closed contact na maaaring magkontamina sa highly contagious na bacteria, kaya gusto umanong mapalakas ng lokal na pamahalaan  ang Surveillance kabilang ang testing sa mga pamilyang tinamaan na ng Pertussis

Facebook Comments