Manila, Philippines – Inaantabayanan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagsulpot ng ilang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity para linisin ang kanilang partisipasyon sa pagkamatay kay Horacio Atio Castillo III.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ilang mga opisyal at kasapi ng Aegis Juris Fraternity ang nagpahayag ng kanilang pagsuko upang linisin ang kanilang mga pangalan sa pagkakasangkot sa kamatayan ni Atio.
Matatandaan na lumutang kamakailan sa MPD si Jason Adolfo Robiños, opisyal ng Aegis Juris fraternity para linisin at pabulaanan ang kanyang partisipasyon sa initiation rites na ikinamatay ni Castillo.
Paliwanag ni Margarejo, sakaling lumutang ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity ay pag-aaralan ng MPD kung posibleng magagamit sa korte ang kanilang mga gagawing pahayag.