Inilabas na ng ilang mga kumpanya ng langis ng kanilang magiging presyo sa nakaabang taas-presyo ng produktong petrolyo bukas.
Simula mamayang alas-12:01 ng hatinggabi ng September 19 ay magpapatupad ang kompanyang Caltex ng ₱2 sa kada litro ng gasolina habang ₱2.50 naman sa kada litro ng diesel habang ₱2 ang itataas sa kada litro ng kerosene.
Ganito rin ang ipapatupad ng Pilipinas SHELL bukas ng alas-6:00 ng umaga habang ang kompanyang Cleanfuel naman ay bukas pa ng alas-4:00 ng hapon ipapatupad ang naturang taas-presyo.
Maging ang ilang mga kompanya ng langis ay ipapatupad ang nabagit na presyo ng mga produktong petrolyo magkakaiba lamang ang oras ng pagpapatupad nito
Ang oil price increase ay bungsod pa rin ng pabago bago ng presyo sa pangdaigdigang merkado.