Ilang mga kongresista, maghahain din ng counterpart bill para sa panibagong franchise renewal ng ABS-CBN

Handa ang ilang mga kongresista na maghain ng counterpart bill sa Kamara para sa panibagong renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kapwa nagpahayag sina Deputy Speakers Vilma Santos-Recto at Lito Atienza na maghahain ng panukala sa mga susunod na araw para muling mabigyan ng 25 taong prangkisa ang giant network.

Umaasa ang mga kongresista na sa pagkakataong ito ay mabibigyan na ng prangkisa ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco.


Nauna nang naghain kahapon ng kaparehong panukala si Senate President Vicente “Tito” Sotto sa Senado.

Matatandaang ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises noong panahon ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Facebook Comments