Ilang mga kongresista, naghain na rin ng kanilang mga kandidatura bilang re-electionist

Kaniya-kaniyang hain na rin ng kanilang mga kandidatura ang mga kongresista na re-electionist para sa 2022 national at local elections.

Ilan sa mga naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) para sa halalan ng susunod na taon ay sina Deputy Speaker Rufus Rodriguez na tatakbo muli bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Cagayan de Oro City.

Naghain na rin ngayong umaga si Cong. Florida “Rida” Robes para sa muling pag-upo sa Kamara bilang kinatawan ng lone district ng San Jose del Monte, Bulacan.


Samantala, si Cong. Julienne “Jam” Baronda, kakandidatong muli para maging kongresista ng lone district ng Iloilo City.

Si Rep. Fidel Nograles naman, nakapaghain na rin ng COC para sa muling pagsabak sa pagka-kongresista ng Ikalawang Distrito ng Rizal.

Kinatawan ng 6th District ng Maynila ang tatakbuhan ni Deputy Speaker Bienvenido “Benny” Abante.

Bagama’t maraming mambabatas ang nakapaghain ng kandidatura para sa ibang elective post, inaasahang marami pa ring kongresista na re-electionist ang tatakbo sa 2022.

Facebook Comments