
Tiniyak ng mga kongresistang kasapi ng House Young Guns ang buong suporta at pakikipagtulingan kay dating Philippine National Police Chief General Nicolas Torre III para sa kanyang bagong posisyon bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pahayag ito ni Representatives Paolo Ortega V, Jefferson “Jay” Khonghun, Ernesto “Ernix” Dionisio Jr., Rodge” Gutierrez at “Zia” Alonto Adiong.
Pangako ng nabanggit na mga kongresista, magsusulong sila ng mga panukalang batas para mapag-ibayo ang pamamahala sa kalakhang maynila, maisakatuparan ang infrastructure development nito, maging ligtas, maayos at matatag.
Tiwala naman ang mga mambabatas na bumubuo sa House “Young Guns” na magagampanan ng mahusay ni Torre ang pagiging MMDA general manager.
Diin ng grupo ng mga kongresista, napatunayan na ni Torre ang kakayahan nitong mamuno, disipilina, at malalim na karanasan sa pagtatguyod ng kaligtasan ng publiko na pawang mga katangian na akma para pamunuan ang pagtugon sa mga problema sa Metro Manila.










