Ilang mga kongresista, pumalag sa isinusulong ng Ombudsman na parusahan ang mga taga-media na magkokomentaryo sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno

Pinalagan ng ilang mga kongresista ang panukalang isinusulong ng Ombudsman na ikulong at pagmultahin ang mga taga-media na magkokomentaryo sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Tinawag ni House Committee on Public Information Vice Chairman Ron Salo na “draconian policy” ang ganitong hakbang lalo na ang pagkulong ng hanggang limang taon sa mga lalabag.

Aniya pa, ang pagpaparusa para lamang sa pabibigay ng opinyon sa SALN ay pinakamalalang pagsikil sa “freedom of expression”.


Punto ng mambabatas, wala pang malayang bansa na may pagpapahalaga sa transparency at accountability ang gumawa ng ganitong klaseng batas.

Tinututulan din ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate ang panukala ng Ombudsman na aniya’y masyadong malupit at malinaw na paglabag din sa karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

Ipinanukala ng Ombudsman na amyendahan ang Republic Act 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” kung saan kabilang dito ang paglilimita sa pag-uulat ng media sa kung ano lamang ang nasa SALN.Ilang mga kongresista, pumalag sa isinusulong ng Ombudsman na parusahan ang mga taga-media na magkokomentaryo sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno

Pinalagan ng ilang mga kongresista ang panukalang isinusulong ng Ombudsman na ikulong at pagmultahin ang mga taga-media na magkokomentaryo sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Tinawag ni House Committee on Public Information Vice Chairman Ron Salo na “draconian policy” ang ganitong hakbang lalo na ang pagkulong ng hanggang limang taon sa mga lalabag.

Aniya pa, ang pagpaparusa para lamang sa pabibigay ng opinyon sa SALN ay pinakamalalang pagsikil sa “freedom of expression”.

Punto ng mambabatas, wala pang malayang bansa na may pagpapahalaga sa transparency at accountability ang gumawa ng ganitong klaseng batas.

Tinututulan din ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate ang panukala ng Ombudsman na aniya’y masyadong malupit at malinaw na paglabag din sa karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

Ipinanukala ng Ombudsman na amyendahan ang Republic Act 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” kung saan kabilang dito ang paglilimita sa pag-uulat ng media sa kung ano lamang ang nasa SALN.

Facebook Comments