𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Nangangamba ang mga konsyumer sa lungsod ng Dagupan sa muling pagsipa sa presyo ng pinakapangunahing pangangailangan at pagkain – ang bigas.
Nararanasan na ang paggalaw sa presyo ng bigas sa mga iba’t-ibang lugar sa bansa at isa sa nakikitang dahilan ay mataas na mga farm gate inputs tulad ng presyuhan sa kada kilo ng palay, at bilang resulta ay ang pagtaas din ng rice price.
Sa Dagupan City, nasa 45 pesos na ang halos pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas dahil kung mayroon mang mas mababa pa rito ay hindi raw maganda ang kalidad nito, ayon yan sa mga mamimili.

Ilan pa sa nakapanayam ng IFM Dagupan, anila kung para sa mga ordinaryong mamimili, ang pinaka-option daw ng mga ito ay ang pagbili ng 45 pesos na bigas.
Dahil sa mga well milled rice, nasa 48 hanggang 55 pesos ang kada kilo naman ng mga ito.
Dagdag pa ng mga ito ang alalahanin sa darating na holiday season kung saan bilang tradisyon ay namimili at naghahanda ang mga tao upang ipagdiwang ang kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.
Samantala, sa usapin ng farm gate price partikular sa presyuhan ng palay na isang salik sa pagbabago sa presyo ng bigas, matatandaang imungkahi ng SINAG ang pagtatakda sana o pagkakaroon ng price cap sa palay upang hindi tuluyang umakyat ang presyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments