Sa gitna umano ng paglaki ng kita ng Meralco, wala naman nakukuhang pakinabang ang subscribers nito gaya sana ng pagbaba sa presyo ng kuryente.
Ayon sa consumer advocate na si Romeo “Butch” Junia, hindi man lang nabibigyan ng benepisyo ang mamamayan mula sa mega franchise ng Meralco katulad ng tinatawag na “economies of scale”.
Paliwanag ni Junia sa economies of scale, sa paglago ng kompanya ay bumababa ang gastusin nito kaya nakapagtataka na patuloy na tumataas ang singil sa kuryente sa halip na pababa.
Aniya, ang reference rate na maaring ikumpara ay ang tinatawag na RORB o return on rate base na P0.79 kada KWH sa ngayon na P1.35 per KWH at biglang taas sa P1.64 per KWH sa ilalim naman ng PBR o performance base rating.
Ang RORB ay ipinatupad noong 2006 habang 2007 habang ang PBR na ginamit noong 2008.
Sa ilalim ng RORB, ang net earnings ng Meralco ay nasa mahigit P20 bilyon kung kaya’t dahil dito, napapanahon na upang repasuhin ang prangkisa ng Meralco dahil parang tinalikuran na nito ang tungkulin na maglaan ng serbisyo sa mababang presyo.