Ilang mga lokal na opisyal ng Las Piñas-LGU, naghain na rin ng kani-kanilang COC

Pormal nang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang ilang mga kasalukuyang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.

Kabilang dito ang mag-inang sina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar na nais muling maupo para sa last term ng alkalde at ikalawang termino naman ng bise alkalde sa ilalim ng Nacionalista Party.

Kasama ng mag-ina ang nasa 12 konsehal ng lungsod kabilang dito ang pamangkin ni Mayor Aguilar na si Councilor Filemon Aguilar.


Wala pa namang impormasyon kung sino ang makakaharap ng mag-ina na kung matatandaan na kapwa nanalo via landslide noong 2019 elections.

Matatandaan na nauna namang naghain ng kani-kanilang COC para muling kumandidato sa pagka-alkalde sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay, Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon.

Habang wala pa naman inilalabas na impormasyon kung kailan maghahain ng kanilang COC sina Taguig City Mayor Lino Cayetano, Paranaque 1st District Rep. Eric Olivarez na papalit sa kaniyang kapatid na si Mayor Edwin Olivarez at Pateros Mayor Miguel Ponce III.

Facebook Comments