Bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na kabilang dito ang Marinduque, Davao City, Butuan City, Surigao del Sur, Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes, Olongapo City, Tarlac City, Angeles City at Eastern Samar.
Ayon kay Cabotaje patuloy nilang mino-monitor ang mga kaso sa mga nabanggit ng lugar.
Aniya, pangunahing sanhi ng pagtaas ng kaso sa naturang mga lugar ay ang pagdagsa ng mga turista at mga umuwi ng kani-kanilang probinsiya.
Isa ding dahilan dito ang campaign sorties na kapansin pansing madami na ang nagkukumpulan.
Kasunod nito, apela ni Cabotaje sa publiko na wag magpakakampante at panatilihin parin ang pagsunod sa health & safety protocols upang hindi mangyari ang pinangangambahang 500,000 mga kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo.