ILANG MGA MAGSASAKA, PINILI MUNANG MAGTANIM NG MAIS DAHIL SA INIT NG PANAHON

Ilang magsasaka sa probinsya ng Pangasinan ang lumipat muna sa pagtatanim ng mais kaysa ang orihinal na tinatanim na talong o palay.
Bunsod ito ng napaulat na pagkasira ng mga bunga ng itinanim na mga ani dahil sa nararanasang matinding init ng panahon, na asahan pa ang init na ito sa mga susunod pang buwan.
Pinili na lamang ng mga magsasakang sa mais muna pagtanim dahil kumpara ng mais sa tubig at talong ay magastos ito sa patubig lalo na dahil sa nararanasang panahon.
Ilang pang magsasaka sa lalawigan ang patuloy na nakararanas ng epekto ng tag-init gaya ng pagkasira ng mga pananim dahil madali itong manuyo, dobleng konsumo sa patubig, mababang target harvest production, kaunting suplay at pagkalugi.
Facebook Comments