ILANG MGA MAGULANG NG MGA ELEMENTARYANG MAG-AARAL SA DAGUPAN CITY, NANGANGAMBA SA BANTANG DULOT NG SORE EYES

Ilang mga magulang sa Dagupan City ay nangangamba umano sa nakikitang pagdami ng kaso ng sore eyes lalo na sa mga bata na pumapasok pa sa mga paaralan.
Ang iba umano sa kanila ay hangga’t maaari ay mas gusto muna sana nila ang manatili sa bahay upang maiiwas ang mga anak dito, dagdag pa ang dami rin ng mga may ubo at sipon ngayon at nakikitang dahilan umano ay ang nararanasang pabago-bagong panahon.
Matatandaan na sa kasalukuyan ay nararanasan ngayon ng ilang mga tao ang sore eyes na nagdudulot ng pamumula at pangangati ng mata, sanhi nito ay isang viral o bacterial na impeksyon at lubos na nakakahawa o madaling kumalat sa pamamagitan ng direktang paghawak.

Nakapagtala rin ang ibang lugar ng maraming kaso nito at naglabas na ang mga health authorities ng ilang mga hakbangin upang makaiwas sa nasabing sakit.
Samantala, ilang mga guro rin sa mga pampublikong paaralan ay nagpaalala na kung hindi kaya ng pangangatawan o ang sakit na nararamdaman ay maigi umanong manatili na lamang sa mga tahanan. |ifmnews
Facebook Comments