Ilang mga magulang, pabor sa pagbabalik ng pagbubukas ng klase sa Hunyo

 

Sang-ayon ang ilang mga magulang sa panukalang ibalik na sa buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng School calendar.

Ayon sa ilang mga magulang sa Sta. Elena Elementary School sa Marikina City, sinabi nila na mas maganda ang kung gagawing nalang sa June ang pagbubukas ng klase.

Paliwanag nila na maliban sa matagal na itong nakasanayan hindi umano makapag-concentrate ang mga estudyante sa pag-aaral dahil sa sobrang init ng panahon tuwing March at April.


Mayroon din sila na pagkakataon din umanong hindi kinakaya ng electric fan ang sobrang init ng panahon kaya nangangamba rin sila sa kalusugan ng kanilang mga anak sa posibleng dehydration.

Dagdag pa nila, hindi rin masamantala ng mga estudyante ang panahon ng bakasyon tulad ng swimming at iba pang aktibidad.

Nabatid na pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na ibalik sa buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng klase.

Ayon kay DepEd Deputy Spokeperson at Assistant Secretary Francis Bringas, bukod sa tapos na ang pandemya, tugon din ito ng DepEd para maibsan ang masamang epekto ng tag-init sa mga estudyante at mga guro.

Bukod dito, ito rin umano ang lumabas sa ikinakasang konsultasyon ng DepEd sa mga paaralan, mga guro, mga magulang at mga student leader noong January 15.

Facebook Comments