Karamihan ngayon sa mga mag-aaral sa Dagupan City ang nagkakaroon ng sakit na trangkaso dahil sa pabago-bagong panahon na nararanasan kung kaya’t doble ang pag-iingat ng mga magulang para sa kanilang mga anak para hindi madapuan ng sakit.
Sa Pantal elementary school, pito sa mga mag-aaral roon ang dinapuan ng trangkaso kaya hindi muna nakapasok sa klase at maging mga ilang guro rin ay nahawaan.
Sa Barangay Calmay din, ilang mga bata ang dinapuan rin ng lagnat, sipon at ubo nitong mga nakaraang linggo dulot ng pabago-bagong panahon.
Ayon sa DOH CHD—1, panahon talaga ngayon na maaaring magkaroon ng sintomas ng lagnat at trangkaso dahil sa biglaang pagbabago sa temperatura at panahon.
Sa ngayon ay patuloy pa rin naman ang pagpapatupad ng modular learning para makahabol sa mga aralin ang mga mag-aaral na nagkasakit. |ifmnews
Facebook Comments