ILANG MGA MAGULANG SA DAGUPAN CITY, HINDI SANG AYON SA PAGPAPATANGGAL NG MGA DEKORASYON SA LOOB NG PUBLIC SCHOOLS

Hindi sinang ayunan ng ilang magulang sa Dagupan City ang pagpapatanggal ng mga dekorasyon at ilan pang mga gamit na nakapaskil sa loob ng mga silid aralan ng mga pampublikong paaralan.
Ayon sa kanila, mas mainam pa rin na may nakikitang makukulay ngunit may educational sense na mga litrato at dekorasyon sa loob ng classroom ang mga bata dahil bawas stress umano sa mga ito dahil hindi nila namamalayan na sila ay nasa loob ng paaralan.
Maganda rin na sana ay makulay pa rin ang loob ng mga classroom ng mga bata bilang mag silbi pa ring child friendly ang ambiance.

Bagamat sa memo na inilabas ng DEPED, dapat bare and loob ng classroom nang sa gayon ay lalo makapag focus ang mga bata at maging mas maluwag ang kwartong kanilang ginagamit.
Ayon naman kay ACT Representative, France Castro, imbis sa pagtatanggal ng mga dekorasyon at signages ang pinagbuntunan, mas mabuti umano sana na sa pagtugon ng class size at sa mga equipment na makatutulong sa ventilation sa loob ng classroom ang kanilang binigyan ng pansin.
Samantala, nag umpisa nang magtanggal ng mga dekorasyon sa mga pampublikong paaralan ang mga guro at sinisigurong susunod ang mga ito sa memo na inilabas ng DEPED. |ifmnews
Facebook Comments