ILANG MGA MAGULANG SA DAGUPAN CITY, NAGPAHAYAG NG OPINYON KAUGNAY SA DEPED ORDER NA PAGPAPATANGGAL NG WALL DECOR SA SILID ARALAN

Nagpahayag ang ilang mga magulang sa Dagupan City kaugnay sa ibinabang kautusan ng DepEd ni Department of Education Sec. Sara Duterte na pagpapatanggal ng mga wall decorations alinsunod sa DepEd Philippines Order no. 21, series of 2023, saad dito ang dapat na malinis na mga silid-aralan, mula sa mga pader at mga pasilidad na kinakailangang artwork, dekorasyon, tarpaulin, at mga posters sa lahat ng oras.
Sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan nito lamang August 29, ayon sa ilang mga magulang sa lungsod, kinakailangan umano ng mga dekorasyon dahil mas naeenganyo ang mga mag-aaral na matuto at mag-aral kung makulay umano ang kapaligiran at mas nakakagaan pa ng pakiramdam.
Ang iba nama’y sinang-ayunan ang pagpapatanggal ng mga wall decorations sa kadahilanang “distracted” umano o madaling makapaukaw ang mga ito ng atensyon ng mga bata dahilan para hindi sila maka-pokus sa dapat na aralin.

Sa kasalukuyan, ilan nang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay napanatili na umano ang minimal na mga disenyo ng mga classrooms alinsunod sa kautusan.
Samantala, matatandaan na layon ng DepEd order na ito ang makapagfocus umano sa mga guro at kanilang inaaral ang mga bata. |ifmnews
Facebook Comments