ILANG MGA MAMIMILI, INAASAHAN ANG PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS SA MGA SUSUNOD NA ARAW NGAYONG ANIHAN SEASON

Inaasahan ngayon ng ilang mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga susunod na araw ngayong darating na ang anihan season.
Matapos kasi ang ilang linggong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, ngayon ay makakapagbawas na rin ito sa kanilang pag budget lalo at bigas ang isa sa pangunahing inilalapag sa hapag.
Kumpiyansa rin ang Department Of Agriculture na magiging matatag ang presyo ng bigas at palay dahil pagisisimila na ng anihan ngayong Setyembre at Oktubre.

Magkakaroon ng initial 5 million metric tons na target ang pamahalaan sa aanihing palay sa mga buwan na nabanggit.
Kabilang ang Pangasinan sa pagmumulan ng mga aanihing palay na ito.
Sa ngayon, ang 3 million metric tons ng palay na aanihin sa susunod na buwan ay magmumula sa Nueva Ecija, Pangasinan, Ilocos Sur, Tarlac, at iba pang mga lalawigan sa bansa na nangunguna sa pagtatanim at pag aani ng palay. |ifmnews
Facebook Comments