Aminado ang ilang mga mamimili sa lungsod ng Dagupan na mas tinatangkilik nila ang inilalakong mga frozen meat sa merkado dahil sa murang presyo nito.
Kumpara sa presyuhan ng fresh meat, nasa 310 hanggang 340 pesos ang kada kilo nito habang ang frozen meat ay nasa 240 to 250 pesos naman ang bigayan sa kada kilo.
Ayon sa mga mamimiling mas pinipiling bumili ng frozen, malaki na raw umano ang 80 pesos na kabawasan mula sa bibilhin sanang fresh meat, at maaari na itong maibili ng iba pang pangsahog tulad ng gulay at mga spices.
Wala rin umano magawa ang mga fresh meat vendors dahil sa huli ay desisyon umano ito ng mga consumers sa kanilang bibilhin bagamat aminado ang mga ito na talagang sa bentahan ay mas malakas umano sa kasalukuyan ang frozen meats.
Matatandaan naman na sa lalawigan ng Pangasinan ay patuloy ang paalala ng mga veterinary office na maging maingat sa maaaring banta ng ASF upang matiyak pa rin ang kaligtasan ng mga ibinibentang karne sa merkado. |ifmnews
Facebook Comments