ILANG MGA MAMIMILI SA DAGUPAN CITY, DI SANG-AYON SA PAHAYAG NI PBBM NA BUMABA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN

Ilang mga mamimili sa Dagupan City ang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naganap na State of the Nation Address o ang SONA na bumaba raw ang presyo ng mga bilihin tulad ng mga produktong bigas, karne, gulay isda at iba pa.
Hindi naman daw umano naramdaman ang paggalaw ng mga ito sa presyo tulad ng presyo ng bigas na naging usap-usapan pa ang ipinangakong 20 pesos per kilo.
Hindi rin sang-ayon ang mga ito dahil hindi naman daw nila naramdaman ang pagbaba ng ilang bilihin sa mga pamilihang bayan at kung may pagbaba sa presyo ay hindi naman daw malaking kabawasan sa mataas na presyo nito.

Bagamat aminado rin ang ilang mamimili na umaasa pa rin sila sa pagkakaroon ng mababang presyo sa mga pamilihan kahit sa gitna ng panahon talaga nga raw nagmamahalan na ang lahat mula sa bigas, mga karne at kahit mga gulay.
Samantala, matatandaan na naipahayag ni PBBM sa kanyang SONA ang pagpapababa ng mga presyo sa mga pangunahing pagkain bunsod ng paglunsad ng KADIWA ng Pangulo kung saan dahil isa tong direct selling ay sa mababang presyo o murang presyo mabibili ang ilan sa mga produkto. |ifmnews
Facebook Comments