Inaasahan ngayon ng ilang mga mamimili sa Dagupan City ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan matapos na malaman ang ukol sa P41.00 na presyo sa regular milled rice base sa price ceiling na ibinigay ng gobyerno na base naman sa Executive Order no. 39.
Kung sakaling tuluyan na maipatupad sa lungsod ang naturang price ceiling ng bigas ay malaking kabawasan sa gastusin umano ng mga mamimili ito lalo at ang iba pang produkto ang nagsisitaasan ang presyo ngayon.
Ayon sa Executive Order 39, hindi maaaring lumagpas sa 41 pesos per kilo ang regular milled rice, samantalang ang well-milled rice ay dapat nasa 45 pesos per kilo lamang.
Bukod riyan, nakasaad rin sa naturang order na kakasuhan ang sinumang hindi sumunod at pwede pang magmulta ng limang libong piso o di kaya anim na taong pagkakakulong. |ifmnews
Facebook Comments