ILANG MGA MAMIMILI SA DAGUPAN CITY, NANGANGAMBA SA MAGIGING PRESYO NG MGA BILIHIN HABANG PAPALAPIT ANG DISYEMBRE

Nangangamba ang ilang mga mamimili o namamalengke sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan sa magiging presyo ng mga bilihin habang papalapit na ang buwan ng Disyembre.
Nang dumating nga ang ber months, sa buwan pa lang ng Setyembre ay naranasan na ng mga mamimili at kahit mga transport group ang pagtaas ng mga bilihin lalo ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Isa sa tumaas ang presyo ay ang mga gulay dulot ng nagdaang bagyo, fresh meat dulot ng kakulangan ng suplay nito sa siyudad pati ang walang katapusang pagtaas ng presyo ng gasolina na isa sa pinaka-idinaing ng ilang transport group.

Hindi pa man umano nila nararamdaman ang maaaring pagtaas pa ng mga produktong kanilang binibili sa ngayon ay mas maiging mapaghandaan na umano nila ito lalo at papalapit nanaman ang araw ng kapaskuhan at new year na siyang dapat na may maihain sa hapag-kainan. |ifmnews
Facebook Comments