ILANG MGA MAMIMILI SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAGPAHAYAG NG SALOOBIN UKOL SA PAGPAPATIGIL NG PRICE CAP SA BIGAS

Ilang mga mamimili sa Dagupan City ang nagpahayag ng kanilang saloobin kaugnay sa balitang maaari nang matigil ang inimplemtang EO 39 ng Pangulo na Price Ceiling sa bigas kung saan nasa tukoy na presyo lamang ang itinakda sa regular na 41 pesos at well milled rice na 45 pesos sa parehong kada kilo nito.
Ayon sa mga naka avail ng 41 pesos na bigas, maigi raw ito kahit pa hindi umano kagandahan ang kalidad at kaunti ang nagbenta bagamat may kabawasan na kumpara sa mas mataas na presyo ng bigas bago pa ipatupad ang ibinabang kautusan.
Nang inaasahan umano ng mga ito na magtatagal pa ay salungat sa kanilang kagustuhan dahil matatandaan na ayon sa SINAG ay maaari nang ilift ang umiiral na price cap dahilan na parating na ang harvest season ng mga mga magsasaka partikular sa unang mga linggo ng Oktubre at tiyak umano ang pagdami ng suplay nito sa merkado.

Dagdag pa ng mga mamimili na sana umano kung tunay ngang dadami ang suplay ng bigas ay bumaba pa sana umano ang presyo nito.
Samantala, inaasahan naman na ang presyuhan ng bigas kung tuluyan nang maipatigil ang naturang kautusan at panahon na anihan ay nasa 43 hanggang 44 pesos ang kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments