Ilang mga mamimili sa Maynila, mag-aadjust na lamang ng budget sa Pasko kasunod ng taas-presyo ng ilang Noche Buena items

Mag-aadjust na lamang ng budget para sa Pasko ang ilang mga mamimili kasunod ng pagtaas ng mga Noche Buena products ngayong taon.

Batay kasi sa Noche Buena price guide ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taon, sa total na 240 na produkto, nasa 152 rito ang tumaas presyo kumpara noong 2022.

Kaya ang mamimili at nagtitinda sa karinderya na si Elvira delos Reyes, magbabawas na lamang daw ng budget ngayong taon, matuloy lamang ang Noche Buena ngayong Pasko.


Ganito rin ang magiging diskarte ni Nene Pedregosa.

Magbabawas na lamang aniya ng mga putahe para pumasok ang kaniyang budget at pipili ng mga hindi branded na produkto.

Hindi rin anila maiiwasang maghanap ng mga alternatibo ang mga konsyumer lalo na kung hindi na pasok sa budget ang mga nakasanayan nilang produkto.

Facebook Comments