Hirap pa rin sa pagba-budget ang ilan sa mga mamimili sa palengke sa Dagupan City dahil sa nagmamahalang presyo ng mga pangunahing pagkain mula sa bigas hanggang gulay.
Ayon sa ilang mga mamimili, hindi na umano nila mapagkasya ang kanilang mga budget sa pagkain pa lang kung saan ang dati punong puno na mga basket na kanilang dala-dala, ngayon ay patingi tingi na lamang ang nakalagay para lang mabili ang lahat ng nasa kanilang listahan.
Kung mababa naman umano na mabibili ang produkto ay kakaunti naman ito kumpara umano noon na talagang sapat ang laman sa presyo na nakatalaga.
Daing din ng mga mamimili na may sariling mga canteen na sa dagdag na piso hanggang dalawang piso sa ibinibenta nilang kanin ang kanilang pambawi sa mahal na pagbili nila sa bigas dahil sa ang sakop lamang umano ng executive order 39 ng pangulo ay ang bigas lamang na regular at well-milled rice.
Sa ngayon, ang presyo ng premium rice at special rice na tinatangkilik din ng mga mamimili dahil sa ganda ng klase nito ay umiikot sa 49 pesos hanggang abot sa 60 pesos ang kada kilo habang sumusunod na ang mga rice retailers sa order ng presyo para sa regular at well-milled rice na 41 pesos at 45 pesos ang kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments