Doble bantay ngayon ang ilang mga mangingisda sa Dagupan City sa kanilang mga palaisdaan dahil sa maaaring banta ng fishkill dulot ng pabago bagong panahon na nararanasan ngayon.
Nitong mga nakaraang araw ay nararanasan ang pabago bagong panahon kung saan sa mainit na sikat na araw ay maya maya ang malakas na kulog at kidlat at biglaang pag-ulan ang susunod at malaki umano ang epekto nito sa pagpapalaki sa mga isda ng mga mangingisda.
Maaari daw kasing mamatay ang mga alaga nilang isda kapag pabago bago ang temperatura ng tubig kung saan ito nakalagak, mas nakakatakot umano kapag hindi na nila napalaki ang mga isda at maabutan na lang nilang palutang lutang sa kanilang mga fishponds.
Isa sa epekto ng fishkill kapag nagkataon ay wala na nga silang mabebenta, lugi pa sila at kung iisipin pa daw ng mas malawak ang pagkakaroon fishkill, maaaring umanong magkulang ang supply ng isda.
Kamakailan nga ay nakumpiska ng City Agriculture Office ang nasa higit dalawang daang kilo ng isdang malaga sa fish market.
Nakaantabay naman ang Bantay Ilog Task Force ng lungsod para imonitor ang kondisyon ng mga isda at kung pwede itong iangkat at ibenta sa publikong pamilihan. |ifmnews
Facebook Comments