ILANG MGA MANGINGISDA SA DAGUPAN CITY, UMAASA SA MGA PANIBAGONG PROGRAMA MULA SA BAGONG KALIHIM NG DA

Umaasa ngayon ang ilang mga mangingisda sa maaari at posibleng programa at aktibidad na para sa aquaculture mula sa bagong kalihim ng Department of Agriculture.
Ayon sa ilang mga mangingisda sa Island barangays tulad sa Calmay, aasahan umano nila ang mga bagong ilulunsad na programa ng bagong iniatas na kalihim ng DA lalo na sa sektor ng aquaculture lalo at isang fishing tycoon ang itinalaga ngayong DA secretary.
Hiling ng ilang mga mangingisda ang mga aktibidad na makapagpapayabong sa pangingisda at pagpapalakas pa sa mga mangingisda bilang isa ang Dagupan City sa mga nangunguna sa produksyon ng isdang bangus at maging ng iba pang produktong isda.

Kahapon lamang ay pormal nang binitiwan ni Pangulong BBM ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture at itinalaga si Fishing tycoon Francisco Tiu Laurel Jr., bilang kapalit nito. | ifmnews
Facebook Comments