Humihirit ng taas-presyo ang ilang mga manufacturer ng sardinas, kape at gatas sa bansa.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo, P.50- P20.00 ang inihihirit na dagdag presyo ng mga manufacturer.
Bunsod aniya ito ng pagtaas din sa presyo ng mga raw materials na ginagamit sa mga naturang produkto.
Pero sinabi ni Castelo na hindi dapat lalagpas sa 10% ang itataas sa presyo ng mga produkto, kung sakaling aprubahan ito ng DTI.
Tiniyak naman ng opisyal sa manufacturer na pinag-aaralan nilang mabuti ang hiling na taas-presyo para sa mga naturang produkto.
Facebook Comments