Ilang mga medical frontliners sa lungsod ng Maynila, sinimulan nang mabakunahan ng Sinovac

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang vaccination program para sa mga medical frontliner.

Isinagawa ang pagbabakuna sa Sta. Ana Hospital kung saan target na mabakunahan ang nasa 200 na medical frontliners mula sa anim na district hospitals ng pamahalaang lungsod.

Nabatid na ang nasabing bilang na nabakunahan ay ang mga naunang nagpalista online registration kung saan sinabi ni Mayor Isko Moreno na sa ngayon umakyat na sa 1,900 health workers ang nais na magpabakuna.


Bilang isang doktor, sumalang na rin sa pagbabakuna si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan habang si Moreno ay ipinaliwanag na kailangan niyang sundin ang national policy na unahin ang mga medical frontliner.

Kaya’t dahil dito, hindi pa siya maaaring mabakunahan kahit pa gusto niya upang makaiwas na rin mahawaan ng virus.

Bukod sa anim na district hospital sa lungsod, nakatakda na rin mabigyan ng bakuna ang lahat ng tauhan ng Manila Health Department sa mga susunod na araw.

Matatandaan na nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 3,000 doses ng Sinovac mula sa gobyerno na agad na ipamamahagi sa 1,500 medical frontliners sa lungsod.

Facebook Comments